Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaligtasan at proteksyon ng mga Korean businessman na nais mamuhunan sa bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa Philippines-Korea Business Forum and Lucheon sa Lotte Hotel sa Seoul, South Korea, sinabi niyang pag-aaralan niya ang paglalagay ng isang desk sa Department of Finance (DOF) para sa application ng kanilang mga negosyo.
Aniya, inatasan niya na niya ang kanyang cabinet members na isang buwan lamang ang pagproseso sa mga papeles sa gobyerno at 15 araw sa mga director pababa.
Handa rin aniya siyang sibakin sa puwesto ang mga opisyal na mabibigong tumupad rito.
Facebook Comments