SISIGURADUHIN | Kaso ng pagbebenta ng ID sa Boracay hindi palalampasin ng DILG – Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi palalampasi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kaso ng umano ay pagbebenta ng mga IDs ng ilang opisyal ng local na gobyerno ng Boracay Island.

Matatandaan na ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson na mayroong mga barangay officials ang sangkot sa pagbebenta ng mga IDs para makapasok sa Boracay na nakatakdang isara sa a-26 ng Abril o sa darating na Huwebes.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, siguradong sisilipin ito ng DILG dahil hindi ito palalampasin ni Interior Secretary Eduardo Año.


Magkakaroon aniya ng malalimang imbestigasyon sa issue na ito at siguradong may maparurusahan sa oras na mapatunayang nagkasala.

Facebook Comments