SISIGURADUHIN | Korte Suprema, tiniyak na hindi hahantong sa constitutional crisis ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Tiniyak ng Supreme Court (SC) na hindi hahantong sa constitutional crisis ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Associate Justice Noel Tijam, nakapaloob naman sa saligang batas ang quo warranto sa mga kasong pwedeng resolbahin ng korte.

Aniya, kung hindi nila inaksyunan ang quo warranto petition laban kay Sereno ay parang pagpapabaya na rin ito sa kanilang tungkulin.


Matatandaang sa botong 8-6, pinaburan ng SC ang petisyon na naglalayong mabalewala ang appointment ni Sereno bilang chief justice.

Facebook Comments