Manila, Philippines – Nakapila na ang mga proyektong ginagawa ng pamahalaan para sa pangmatagalang solusyon sa problema sa congestion sa mga airports sa bansa partukular ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, aminado siya na isang eye opener ang aberya sa NAIA matapos sumadsad ang isang eroplano ng Xiamen airlines.
Ayon kay Go, bago pa mangyari ang insidente ay marami nang ginagawa ang pamahalaan para masolusyunan ang problema sa mga paliparan tulad ng pagpapaganda o expansion ng Clark International Airport at pagtatayo ng mga bagong airport sa Bulacan at sa Cavite.
Bukod dito, mayroon din pondong inilaan para sa expansion project sa NAIA.
Binigyang diin ni Go na sa pamamagitan ng mga airports sa labas ng Metro Manila ay mas mababawasan pa ang congestion sa NAIA.