SISIGURADUHIN | Mahigpit na seguridad, pinaiiral ng NCRPO sa pag uumpisa ng Ramadan

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa kalakhang Maynila sa pag uumpisa ng banal na buwan ng Ramadan.

Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan, mananatili sa full alert status ang pambansang pulisya lalo pa at nasa ilalim ng election period ang buong bansa kasunod narin ng katatapos pa lamang na Barangay at SK Elections.

Sinabi pa ni Cascolan na wala silang natatanggap na banta sa seguridad kaugnay sa pagsisimula ng Ramadan.


Kasunod nito, sapat na bilang ng pulisya ang nakakalat sa Metro Manila at naka standby baka-sakali may mangyaring hindi inaasahan

Ang Ramadan ay taunang religious observance ng mga kapatid nating Muslim na itinuturing na 1 sa 5 pillars ng Islam.

Nag umpisa ito ngayong araw at magtataggal naman ng 30 araw kung kailan lilitaw ang full moon.

Facebook Comments