SISIGURADUHIN | Malacañang hindi itatago ang kalagayan ng kalusugan ng Pangulo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi itinatago at hindi itatago ng pamahalaan ang tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng maling balita na inilabas ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Joma Sison na na-coma si Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tatalima ang Pamahalaan sa itinakda ng saligang batas na nagsasabi na kailangang isapubliko ang kalagayan ng kalusugan ng Pangulo ng bansa kung mayroon itong seryosong karamdaman.


Pero sinabi ni Roque na wala talagang sakit si Pangulong Duterte at matibay aniyang patunay dito ay ang public event ni Pangulong Duterte kagabi sa Cebu City kung saan nakita na wala itong iniindang sakit.

Pinayuhan na lang din ni Roque ang mga nagbibintang na may sakit ang Pangulo na magbigti na lang.

Facebook Comments