SISIGURADUHIN | Malacañang, hindi manghihimasok sa imbestigasyon ng Ombudsman kay dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na hindi sila manghihimasok sa pag-iimbestiga ng Office of the Ombudsman kay dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may kapangyahiran ang Office of the Ombudsman na imbestigahan ang mga opisyal ng pamahalaan.

Aniya, kabilang ito sa mandato ng Ombudsman na ibinigay ng saligang batas para matiyak na magkakaroon ng public accountability.


Facebook Comments