Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na magsisimula nang bumaba ang presyo ng bigas sa mga susunod na araw matapos madagdagan ang supply nito sa merkado.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, milyon-milyong kaban ng bigas ang paparating na, kaya mapupuwersang magbaba ng presyo ang mga negosyante at ang mga hoarders naman aniya ng bigas ay mapupuwersang ilabas ang kanilang itinatagong bigas.
Paliwanag ni Roque, kung hindi ilalabas ng mga negosyante ang kanilang bigas sa mga warehouse ay tiyak na malulugi ang mga ito kapag bumaha ng supply ng bigas.
Samantala ipinagmalaki din naman ni Roque na bumaba na o bumalik na sa normal ang presyo ng kada kilo ng sili sa mga pamilihan na una nang pumalo sa P1,000 kada kilo.
Sa ngayon aniya ay nasa 300 piso nalang kada kilo ang sili at bumaba na rin ang presyo ng bawag at sibuyas sa merkado.