Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na hindi aabusuhin ang kapangyarihan ng Philippine National Police (PNP) na mag-isyu ng subpoena.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang subpoena powers na ipinagkaloob sa PNP ay hindi gagamitin laban sa publiko.
Aniya, iiral pa rin ang judicial process at mananatili ang rule of law sa bansa.
Iginiit din ni Roque, sa pamamagitan ng ‘petition for certiorari’, maaring kwestyunin ang subpoena.
Nilinaw ng palasyo na ang subpoena powers ng PNP ay gagamitin lamang para sa ‘indirect contempt’.
Sa ilalim ng republic act 10973 na pinirmahan ni Pangulong Duterte, may awtoridad na muling makapag-isyu ng subpoena ang PNP chief, director at deputy director for administration.
Facebook Comments