SISIGURADUHIN | Mapayapang Barangay at SK Elections, tiniyak sa Cotabato City

Cotabato City – Muling pinaalalahanan ng mga otoridad ang lahat ng mga kandidato sa Barangay at SK sa Cotabato City na tumalima sa mga ipinangako sa isinagawang peace covenant.

Ito ang mariing inihayag ni Cotabato City Mayor Attorney. Cynthia Guiani Sayadi kasabay ng gagawing eleskyon ngayong araw ng Lunes.

Maging modelo aniya para sa kani-kanilang mga kababayan para magiging maayos at matiwasay ang gaganaping eleksyon.


Hinimok naman ni City PNP Director Rolly Octavio ang mga supporters ng mga kandidato na maging kalmado at makiiisa sa kampanya ng mga otoridad.

Handang-handa na ang buong puwersa ng PNP katuwang ang military para mangalaga sa peace and order sa araw ng halalan.

Inaasahan ang paglahok ng 147 libong botante sa gagawing SK at Barangay Election sa Cotabato city ayon naman sa COMELEC.

Facebook Comments