SISIGURADUHIN | Mas mahigpit na crime prevention, asahan na kapag maipatupad ang national ID system

Manila, Philippines – Asahan na ang mas magiging epektibo at mahusay na pagpapatupad ng batas at pagresolba sa mga krimen sa sandaling maipatupad ang national ID system sa bansa.

Ito ang paniniyak ni OIC Secretary Eduardo Año.

Aniya, makakatulong din aniya ito sa Local Government Units (LGUs) at PNP sa pagtupad ng kanilang tungkulin na protektahan ang pangkalahatang kapakanan ng komunidad .


Sa pamamagitan nito, mas madali para sa mga otoridad ang pagtukoy sa mga tao.

Kaugnay nito hinimok din ng DILG ang mga kritiko sa national ID system na imulat ang kanilang pag-iisip at ikunsidera ang national ID para sa law enforcement at public safety.

Naniniwala si Año, na ang mga tumututol lamang sa panukalang national ID system ay ang mga taong may itinatago sa batas.

Facebook Comments