Manila, Philippines – Asahan na ang lalo pang pag angat ng positibong pagkilala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit pa pumasok na ang panahon ng tag init
Ayon kay MIAA Engineering Department Head Ricardo Medalla, ito ay dahil sa nasa maayos na kondisyon na ang mga pasilidad ng apat na terminal ng NAIA at tuloy tuloy ang mga proyekto para lalo pang pagandahin ang serbisyo
Partikular dito ang NAIA T3 na naging tampulan ng pansin na ayon sa opisyal ng MIAA ay nakabitan na ng bagong stand alone aircon sa may bahagi ng domestic operations.
Kaya naman ngayon ay nasa 19 hanggang 22 degree celcius ang lamig na mararamdan ng mga pasahero at mga sumasalubong doon.
34 na bagong aircon din ang ikakabit sa international operations ng T3 lalo na sa pre departure area makalipas ang Semana Santa. Kaya at mas lalamig na rin ang temperatura duon na saktong papasok sa panahon ng tag init.
Una nang naitala ang NAIA bilang pang 10 sa Most Improved Airport sa mundo batay sa Skytrax International Aviation Awards 2018.