SISIGURADUHIN | NCRPO, tiniyak ang seguridad ng mga poll precinct

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na handa na silang bigyang seguridad ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan, mahigpit ang bilin niya sa mga pulis na wala silang dapat sisinuhin sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ngayong halalan.

Ito ay kahit pa mismong mga kandidato ang masasangkot sa kaguluhan.


Pinalalahanan rin ni Cascolan ang mga pulis na ipatupad ng maayos ang mga panuntunan ng Commission on Election o COMELEC.

Facebook Comments