SISIGURADUHIN | NCRPO, tiniyak na tututukan imbestigasyon sa pagpatay kay Deputy Prosecutor Rogelio Velasco

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tututukan ang pag-iimbestiga sa pagpatay kay Deputy Prosecutor Rogelio Velasco.

Ito ang siniguro ni NCRPO Chief Director Camilo Cascolan.

Bumuo na ng special investigation task force ang Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni QCPD Deputy District Director Senior Superintendent Ronaldo Ylagan.


Itinuturing ng pulisya ang mga nahagip sa CCTV bilang persons of interest habang inilabas na rin ang composite sketch ng dalawa sa mga namaril.

Tinitingnan din ng pulisya ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho ni velasco bilang prosecutor ang pamamaslang dahil kamakailan ay humawak ito ng kasong may kinalaman sa droga.

Facebook Comments