Manila, Philippines – Tiniyak ng National Privacy Commission (NPC) na maayos na ipatutupad ang security measures kapag naging batas na ang national ID system.
Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, suportado nila ang pagsasabatas ng panukala.
Kasama aniya ang NPC sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) kapag nagisabatas ang panukala.
Nakikipagtulungan na ang NPC sa iba’t-ibang ahensya para masigurong nakalatag na ang mga security measures kaugnay sa storage information.
Una rito, naglaan na ang gobyerno ng dalawang bilyong piso para sa pagtatatag ng Philippine Identification System ngayong taon.
Facebook Comments