Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magpapahuli ng buhay sa mga terorista.
Ayon sa Pangulo, kapag nagkaroong aberya ang sinasakyan niyang eroplano at lumapag, handa niyang barilin ang kanyang sarili sakaling dukutin siya ng mga bandido.
Pinayuhan ng punong ehekutibo ang mga sundalo na huwag magpapasuko sa kalaban.
Nangako si Duterte na susuportahan ang militar sa intensified operations nito laban sa mga teroristang grupo lalo na ang may extremist ideologies ng Islamic State at Al-Qaeda.
Muling paalala ni Pangulong Duterte sa mga tropa ng militar na patuloy na depensahan ang bansa at protektahan ang mga Pilipino mula sa anumang banta ng seguridad.
Sa kabila nito, hinimok pa rin ng Pangulo ang mga kalaban ng estado na sumuko na lang sa mga awtoridad.