Manila, Philippines – Tiniyak ng bagong Senate President Tito Sotto III ang pagiging independent ng senado sa ilalim ng kanyang liderato.
Handa rin aniya ang senado na makipagtulungan sa palasyo para sa mga panukala na makakabuti sa bansa at sa mamamayan.
Sinigurado pa ni Sotto na hindi mababago ang mga panukalang napagkasunduang iprayoridad ng Senado, Kamara at Malakanyang.
Tiniyak din ni Sotto na ipaglalaban niya ang senado laban sa mga hindi patas at ‘below the belt’ na kritisismo.
Nakatakda rin siyang mag courtesy call kay Pangulong Rodirgo Duterte at inaasahang magkakaroon din sila ng pulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Facebook Comments