Manila, Philippines – Pagtutuunan ngayon ng pansin ng Tourism Department ng mga bansang kasapi ng ASEAN, na maiparanas ang barrier-free travel experience para sa mga Persons with Disabilities.
Sa katatapos lamang na seminar na pinangunahan ng Pilipinas, tinalakay dito ang mga problema na karaniwang kinahaharap ng PWDs tuwing nagta-travel.
Ilan sa mga ito ay ang kawalan ng mga sidewalk ramps ng mga hotel, wheelchair lift para sa mga kotse, kawalan ng PWD- friendly bathrooms, toilets at audio and visual guides.
Dahil dito, ayon kay DOT Undersecretary for Tourism Development Planning Benito Bengzon, Jr., pagtutuunan nila ang pagtitiyak na magiging accessible na rin sa ma PWDs and transportasyon, lodging, communication aids at maging ang nga disensyo ng mga pasilidad.
Dinaluhan ang nasabing seminar ng mga representante mula sa Japan, Myanmar, Thailand at Vietnam.