SISIGURADUHIN | Pagpasa ng BBL sa Mayo, tiniyak ng liderato ng senado

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Senate President Koko Pimentel na kayang ipasa ng kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa darating na Mayo.

Ayon kay Pimentel, ito ay bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisasabatas na ang BBL sa Mayo.

Sabi ni Pimentel, sa timetable ng senado, ay Mayo talaga ang target nilang pagpapatibay sa BBL.


Tiniyak pa ni Pimentel, na sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 14, ay tututukan nila ang BBL na ngayon ay nasa period of interpellations o plenary debates ng senado.

Umaasa si Pimentel na bibilisan din ng kamara ang pagtalakay sa proposed BBL.

Facebook Comments