SISIGURADUHIN | Pamunuan ng AFP tiniyak na may mananagot sa misencounter sa Samar

Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) na may mananagot sa naganap na misencounter sa Sta. Rita Samar na ikinasawi ng anim na pulis at pagkasugat ng syam na iba pa.

Ayon kay PNP AFP Public Affairs Office Chief Colonel Niel Detoyato naniniwala ang pamunuan ang AFP na nagkaroon ng lapses sa koordinasyon sa pagitan ng mga pulis at mga tauhan ng Philippine Army nang isagawa nila ang kanilang mga operasyon.

Kaya inaalam ngayon sa ginagawang imbestigasyon ng AFP at Philippine National Police (PNP) kung sino sa dalawang panig ang nagkaroon ng lapses sa pakikipag-coordinate bago ang ginawang operasyon sa lugar.


Mananagot aniya ang mapapatunayang may ginawang paglabag sa tamang proseso sa koordinasyon dahil anim ang nasawi at syam ang sugatang pulis.

Kahapon sinibak na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang dalawang police office na nakakakasakop sa operasyon ng mga pulis sa Sta. Rita Samar.

Habang binalik na sa headquarters ng 8th Infantry Division sa Catbalogan City Samar at ngayon ay under investigation ang 17 miyembro ng Philippine Army na hindi sinasadyang nakapatay sa anim na pulis.

Facebook Comments