SISIGURADUHIN | Pangulong Duterte, bukas na alisin na ang deployment ban sa Kuwait

Manila, Philippines – Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.

Ito ay matapos mapirmahan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na magbibigay ng proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.

Sa kanyang talumpati sa Marawi City, sinabi ni Duterte na bago ito gawin ay kailangan munang masigurong mapoprotektahan laban sa pang-aabuso ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) roon.


Dapat rin aniyang maayos ang pagtrato sa mga OFW at hawak ng embahada ng Pilipinas ang passport ng mga Pinoy workers sa Kuwait.

Kasabay nito, nangako si Duterte na bibisita siya sa Kuwait sa hinaharap.

Facebook Comments