SISIGURADUHIN | Pangulong Duterte, nanindigang masisibak ang mga tiwaling opisyal kahit pa naghikayat sa kanya noon na tumakbo sa 2016 elections

Manila, Philippines – Ikinalulungkot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkawala sa pwesto ng ilang opisyal ng gobyerno na humikayat sa kanya na tumakbo sa presidential elections noong 2016.

Pero sabi rin ni Duterte na kailangan niyang sibakin ang mga taong unang naniwala sa kakayahan niyang sugpuin ang iligal na droga, krimen at korapsyon sa bansa.

Nagpahaging din ang Pangulo na may isa pang opisyal siyang sisibakin.


Kabilang na sa mga nag-resign at sinibak ng pangulo ay sina:
dating Tourism Secretary Wanda Teo; dating DILG Secretary Ismael Sueno; Terry Ridon bilang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor; Peter Laviña na dating National Irrigation Authority Administrator (NIAA); Dionisio Santiago ng dangerous drugs board; at si Marcial Amaro III bilang Maritime Industry Authority Administrator.

Facebook Comments