SISIGURADUHIN | Pangulong Duterte tiniyak na hindi lilihis sa inihandang SONA Speech

Manila, Philippines – Nangako umano si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lalampas ng 35 minuto ang kanyang talumpati sa State of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ang garantiya ni Pangulong Duterte at sinabi pa nito na hindi umano lilihis ang Pangulo sa kanyang nakahandang speech.

Paliwanag ni Roque, ang sabi ng Pangulo ay “He will be faithful to the script” kaya kung ano lang ang nakalagay ay iyon lamang ang babanggitin ng Pangulo.


Pero magkakaalaman naman sa darating na Lunes kung tutuparin ni Pangulong Duterte ang kanyang sinabi gayong kilala ang Pangulo na hindi nagbabasa ng prepared speeches nito at sinasabi nito ang kanyang saloobin sa publiko.

Facebook Comments