SISIGURADUHIN | Pangulong Duterte, tiniyak na itatalaga sa iba pang posisyon si Philippine Ambassador to Kuwait na si Renato Villa

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maitatalaga sa ibang government position si Philippine Ambassador to Kuwait na si Renato Villa.

Ito ay matapos ideklarang persona non grata si Villa ng Kuwaiti government.

Ayon sa Pangulo, kadalasang nagkakaroon naman ng ikutan o rotation ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa iba’t-ibang diplomatic post.


Ang pagpapaalis kay Villa ay kasunod ng pagsasagawa ng embahada ng rescue sa mga distressed OFWs na walang koordinasyon sa mga lokal na awtoridad.

Facebook Comments