Manila, Philippines – Tiniyak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na gumagawa na sila ng mga hakbang para maiwasan muli ang pagkakamali ng kanyang opisina lalo na sa media releases sa social media.
Ito ang tugon ni Andanar matapos lumabas ang isang news release sa PCOO website nito noong June 13, 2018 kung saan maling tinukoy si Senador Sherwin Gatchalian bilang ‘Winston Gatchalian’.
Ayon kay Andanar, itinama na ang nasabing news release.
Nagsasagawa na aniya sila ng preventive measures para hindi na ito maulit.
Humingi na ng paumanhin ang PCOO kay Gatchalian.
Facebook Comments