Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na malilinis sa ilegal na droga ang Pilipinas kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, aabot na sa 200 mula sa 3,300 confessed drug addicts na sumuko sa awtoridad sa unang bugso ng ‘Oplan Tokhang’ ay natulungan at nakapagtapos na mula sa localized reformation center.
Pero aminado si Aquino na mahirap maisawata ang ilegal na droga sa buong bansa pagsapit ng 2022.
Hinimok nito ang mga bagong halal na barangay officials na makipagtulungan sa kanila at sa pulisya na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Sa ngayon, apat na lalawigan pa lang sa bansa ang idineklarang drug free, ito ay ang Batanes, Southern Leyte, Biliran at Romblon.