Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi malalabag ang karapatang pantao ng sinumang indibibdwal na mahuhuling tambay sa mga kalsada.
Ito ay sa harap na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na tutukan ang panghuhuli sa mga tambay lalo sila ang malimit na nasasangkot sa krimen.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde ipinauubaya nya na sa mga chief of police ang paghuli sa mga tambay.
Habang siniguro nyang susundin o sinusunod ng mga pulis ang police operational procedures upang walang maabuso.
Sinabi pa ni Albayalde na may ilang syudad na rin ang nagpapatupad ng ordinansa kung saan bawal ang mga tambay kalsada na layuning maging ligtas ang mga nagtatrabaho sa gabi.
Facebook Comments