SISIGURADUHIN | PNP, tiniyak na maisusumite pa rin sa SC ang mga case folders ng mga namatay sa war on drug

Manila, Philippines – Kumpyansa ang Philippine National Police (PNP) na masusunod pa rin nila ang utos ng Korte Suprema na isumite ang case folders ng mga napatay sa kanilang anti-drug campaign.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, na sa katunayan patapos na sila sa paghahain ng mga kinakailangang dokumento ng SC sa 4,000 cases ng mga drug personalities.

Sadyang kinapos lang talaga sila sa oras dahil masyadong maikli ang 15 araw na unang hininhing deadline ng SC para makapaghanda ng karagdagang operational documents ang PNP.


Matatandaan na kamkailan lang ay humiling ang Office of the Solicitor General (OSG) na kumakatawan sa PNP ng karagdagang 60 araw sa SC para makapag-validate at makakolekta ng case folders.

Maliban sa case folders, kabilang rin sa hiling ng SC ang statistics ng internal cleansing ng PNP; drug watch list, reports kaugnay sa mga sinasabing drug war victims na sina Aileen Almora, Rowena Aparri, at Jefferson Soriano; at buy-bust incidents sa San Andres Bukid, Manila mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2017.

Kasama pa ang listahan ng warrants at warrantless arrests sa high-value target police operations; maging ang listahan ng case under investigation sa ilalim ng PNP Internal Affairs Service.

Facebook Comments