Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na itataguyod nito ang katotohanan.
Partikular na tinutukoy ng PNP ang paglaban sa fake news na lumaganap sa social media.
Ayon kay PNP Spokesman, Sr/Supt. Benigno Durana, kahit mayroong silang kakayahang tukuyin ang pinagmumulan ng fake news, nakatuon sila sa kanilang counter-action sa pamamagitan ng pagpapakalat ng makatotohanang impormasyon tungkol sa peace and order situation sa bansa.
Aniya, ang PNP Anti-Cybercrime Group ang nakatoka sa pagbabantay ng mga impormasyon na kumakalat sa internet.
Nabatid na ginamit ito ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde para kilalanin ang kanyang mga bashers sa facebook.
Facebook Comments