SISIGURADUHIN | Pondo kada taon para sa Mental Health Law – titiyaking sapat ng Kongreso

Manila, Philippines – Titiyakin umano ng Kongreso na makapaglalaan sila ng sapat na pondo kada taon para sa implementasyon ng R.A. 11036 o Mental Health Law.

Sa interview ng Rmn DZXL Manila, sinabi ni Senator Risa Hontiveros na pipilitin nilang maging abot-kaya ang pagpapagamot ng mga acute mental health patients sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Philhealth at DOH.

Samantala, ayon kay Hontiveros – kabilang sa mahahalagang probisyon ng batas ang:


– Pagtatalaga ng DOH ng mga psychiatric, neurologic at psychosocial service;

– Pagpaparami ng lahat ng uri ng doktor, nurse, kamadrona at barangay health workers na may kapasidad na magbigay ng mental health services;

– Alisin ang diskriminasyon sa mga taong may mental health problem sa pamamagitan ng mga mental health program.

May 60 araw ang DOH para tapusin ang IRR.

Facebook Comments