SISIGURADUHIN | Subpoena powers, gagamitin lamang sa indirect contempt

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel na dapat na lang ipaubaya sa korte ang pag-iisyu ng subpoena.
Kasunod ito ng pagbibigay otoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na muling makapag-isyu ng subpoena sa ilalim ng R.A. 10973.
Ayon sa dating Senador, ito ay para hindi na makuwestiyon pa at mas mailagay ang loob ng publiko na dumaan ito sa pag-aaral ng hukuman.
Tiniyak naman ng Malacañang na hindi aabusuhin ng Philippine National Police (PNP) ang kapangyarihan nitong maglabas ng subpoena.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, paiiralin pa rin dito ng PNP ang judicial process at mananatili ang rule of law sa bansa.
Iginiit din ni Roque, sa pamamagitan ng ‘petition for certiorari’, maaaring kwestyunin ang subpoena.
Nilinaw ng palasyo na ang subpoena powers ng PNP ay gagamitin lamang para sa ‘indirect contempt’.

Facebook Comments