Manila, Philippines – Ibinato ng oposisyon sa Kamara na walang ibang gumagawa ng destabilization sa Duterte Administration kundi ang mismong gobyerno.
Ayon kay Akbayan Representative Tom Villarin, pakana lamang ng administrasyon ang isyu ng destabilization plot laban kay Pangulong Duterte para pagtakpan ang krisis sa bansa.
Lumalabas lamang na walang direksyon ang pamahalaan para solusyunan ang malalang problema sa bigas, inflation at pagtaas ng mga bilihin.
Dagdag naman ni Albay Representative Edcel Lagman, halatang halata na kulang sa konsultasyon ang mga miyembro ng ehekutibo kaya sala-salabat ang pahayag sa publiko.
Dahil dito lalo lamang nagugulo ang isipan ng taumbayan.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na ang LP, Trillanes group at mga komunista ang nagluluto ng destabilization plot laban sa kanya na hindi naman makumpirma nila Defense Secretary Delfin Lorenzana at PNP Chief Oscar Albayalde.