Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson sa pamahalaan na humanap ng ibang estratehiya para maresolba ang problema sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Pahayag ito ni Lacson kasunod ng report na bukas muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa negosasyon sa komunistang grupo.
Giit ni Lacson, base sa ating kasaysayan ay paulit-ulit na lang ang usapang pangkapayapaan sa rebeldeng grupo sa loob ng apat ng dekada simula noong 1969.
Pero hindi naman ito nagtatagumpay at nauuwi lang sa turuan o sisihan dahil ang mga napagkakasunduan dito ay hindi natutupad tulad ng tigil-putukan.
Makabubuti para kay Lacson, na pag aralang mabuti ang kasaysayan upang makita kung saan nagkaroon ng sablay at makahanap ng ibang hakbang para matuldukan na ang insurhensya sa bansa.