Sisihan sa lindol, isantabi muna ayon kay Speaker Arroyo

Nanawagan si House Speaker Gloria Arroyo na isantabi muna ang sisihan sa sunud-sunod na lindol sa bansa.

Ayon kay Arroyo, mas dapat na gawing prayoridad ang pagtulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Sa kanilang lugar sa Pampanga, nakaranas ng pinakamalaking pinsala ng lindol kaya mas prayoridad niya ang relief and rescue lalo na sa bayan ng Porac.


Kailangan ding unahin ang pagtulong sa medical needs ng nga sugatan sa lindol at funeral naman sa mga nasawi.

Iginiit nito na saka na pagusapan kung sino ang dapat sisihin sa malaking pinsala na nangyari.

Facebook Comments