Manila, Philippines – Ibinalik ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang sisi kay Senador Leila de Lima sa mga nangyayari sa kanya.
Ito ang sinabi ni Roque sa harap narin ng mga batikos na dapat ay maging patas ang Pamahalaan sa pagtrato kay Senador De Lima at sa iba pang babaeng kilala na nasa oposisyon na matinding kumokontra sa pamahalaan.
Ayon kay Roque, kung mayroong dapat sisihin si Senador De Lima ay sisihin niya ang kanyang sarili.
Paliwanag ni Roque, 6 na taong nanilbihan bilang Justice Secretary si De Lima at hindi nito nagawang baguhin o pagandahin ang Criminal System ng bansa.
Binigyang diin din naman ni Roque na hindi ginigipit ng Administrasyon ang Senadora at sinusunod lamang ng gobyerno ang lahat ng proseso ng batas.
Sinabi din ni Roque na batay sa batas ay inosenteng maituturing si De Lima hanggang hindi nahahatulan ng korte.
SISIHIN ANG SARILI | Mga nangyayari kay Senador Leila de Lima, hindi dapat isisi sa Malacañang ayon kay Secretary Roque
Facebook Comments