Manila, Philippines – Sinisikap na ng Department of Education (DepEd) na
maipatupad ang tamang bilang ng mga estudyante na tinuturuan ng isang guro
sa isang silid aralan o tinatawag na “teacher-student ratio”
Ito ang inihayag ni DepEd Usec. for Planning Jesus Mateo kasunod na rin ng
ugnayan nila sa Committee on Basic Education & Culture of the House of
Representatives.
Ayon kay Mateo, kapag naipatupad ng tama ang Teacher-Student-Ratio magiging
kaaya-aya ang pag-aaral ng mga estudyante at gaganahan lalo na magturo ang
mga guro.
Sa kasalukuyan, 1 is to 45 ang ratio ng guro sa mga mag-aaral para sa
school year 2017-2018 sa bawat silid-aralan.
Pero mas mainam aniya kung 1 is to 31 ang Teacher-Student Ratio sa
elementary level habang 1 is to 36 sa junior level at 1 is to 31 sa high
school level.
Ito aniya ay alinsunod sa House bill 473 o An Act Regulating Class Size in
All Public Schools.
Kasunod nito kumpyansa naman si Usec. Mateo na maipatutupad nila ang
kalidad ng edukasyon sa pagdadagdag ng mga gusali, guro, at silid-aralan.