SISILIPIN | CHR, iimbestigahan ang kaso ng pagpatay kay Richard Santillan

Manila, Philippines – Pumasok na rin ang Commission on Human Rights (CHR) sa kaso ng pagpatay sa body guard ng election advocate na si Atty.Glen Chong.

Ayon kay CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, nagpadala na sila ng quick response team sa Cainta, Rizal para imbestigahan ang pagkamatay ni Richard Santillan.

Sinabi ni de Guia na dapat mapalitaw ang katotohanan lalo pa at nababalot ng iba’t ibang kuwestyon ang sinasabing police operation.


Hinikayat ng CHR ang gobyerno na mag-imbestiga alang-alang sa interes ng katotohanan at ipataw ang pinakamabigat na parusa kung mayroon mang pagkukulang sa panig ng mga otoridad.

Facebook Comments