Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) na silipin muli at pag-aralang mabuti ang lahat ng applications para sa small-scale mining.
Ito ay para maiwasan ang panibagong sakunang maidudulot ng landslide.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu – magiging mahigpit sila sa pag-aapruba ng mga minahang bayan sites.
Titiyakin din ng ahensya na tumatalima ang mga ito sa mga panuntunan lalo na sa kaligtasan ng mga nagmimina.
Dahil dito, ipinag-utos ng kalihim ang pagbawi ng lahat ng temporary contracts at pagpapahinto ng operasyon ng small-scale mining lalo na sa Cordillera Region.
Humingi na ng tulong ang DENR sa AFP at PNP para tulungan ang MGB na ipatupad ang pagpapahinto ng lahat ng mining activities sa CAR.