Manila, Philippines – Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mag-inspeksyon sa mga pasilidad ng pyrotechnics at firecracker manufacturers.
Ito ay para malaman kung sumusunod ang mga ito sa Occupational Safety and Health (OSH) standards.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III – ipinag-utos na niya ang monitoring ng compliance ng mga establisyimento lalo’t papalapit na ang bagong taon.
Layunin aniya ito na maiwasan ang anuman aksidente sa lugar na pinagtatrabahuan ng mga manggagawa.
Kung may pagkukulang man ang mga establisyimento sa compliances sa OSH standard, tutulong ang mga labor inspectors na itama ang mga ito.
Inatasan na rin ng DOLE ang lahat ng regional offices na magsumite ng listahan ng mga establisyimento sa December 28.