Manila, Philippines – Susuyurin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga palengke, department store at iba pang mga pamilihan sa lungsod ng Maynila upang masuri ng husto kung sumusunod ang mga ito sa presyo at mga produkto para sa Noche Buena.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, pangungunahan mismo nito ang pag-iikot sa mga pamilihan sa Maynila upang matiyak na hindi nagsasamantala ang ilang mga negosyante sa presyo ng pang Noche Buena.
Paliwanag ni Undersecretary Castelo napakahalaga ang ginagawa nilang monitoring sa mga pangunahing pamilihin sa lungsod upang masiguro ng mga consumers o mamimili na sumusunod ang mga negosyante sa itinatadha na presyo ng DTI.
Umapela rin ang opisyal sa mga mamimili na i-report sa kanilang tanggapan kung mayroon silang nababalitaan na mga negosyanteng nagsasamantala ngayong holiday season upang agad nilang mabigyan ng kaukulang aksyon ang kanilang mga reklamo.