SISILIPIN | Epekto sa ekonomiya ng deployment ban sa Kuwait, planong ipabusisi ni Senator Gatchalian sa Senado

Manila, Philippines – Plano ni Senator Win Gatchalian na maghain ng resolusyon para masilip ang epekto sa ekonomiya ng Deployment Ban ng manggagawang Pilipino sa Kuwait.

Ayon kay Gatchalian, nasa 300,000 mga Overseas Filipino Workers (OFW) galing sa Kuwait ang babalik sa bansa at dapat ay mabigyan ang mga ito ng trabaho, kabuhayan at kinakailangang training.

Sabi ni Gatchalian, dapat samantalahin ng gobyerno ang gumagandang ekonomiya para matulungan ang nasabing mga OFWs.


Diin ni Gatchalian, mas mabuting dito na sila magtrabaho kumpara sa abroad kung saan nakakalungkot ang mga pinagdaraanan nila dahil sila ay tinatratong alipin at hindi mangagawa.

Facebook Comments