SISILIPIN | ICC, tuloy ang preliminary examination sa war on drugs

Tuloy ang preliminary examination ng International Criminal Court o ICC sa war on drugs ng Duterte administration kahit kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute.

Pero ayon kay ICC Prosecutor Fatou Bensouda, aabutin pa ng isang taon bago maproseso ang pagkalas ng bansa sa Rome Statute.

Kaya hindi aniya maapektuhan nito ang examination na ginawa nila bago pa ang pagkalas ng bansa.


Batay sa inilabas na report ng ICC, naghihikayat pa umano ang administrasyon sa pagpatay sa mga pinaniniwalaang tulak ng droga.

Patunay anila rito ang listahan ng mga napatay ng PNP at ilang pribadong tao.

Nakasaad rin sa report, umabot na sa 20,000 ang napatay sa war on drugs.

Tiniyak naman ni Bensouda, sinusuri nilang mabuti ang mga impormasyon nilang nakukuha.

Facebook Comments