SISILIPIN | Iligal na pag-aresto ng Makati Police sa 3 abogado, iimbestigahan ng Kamara

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Kamara ang sinasabing iregular na pag-aresto ng mga pulis Makati sa tatlong abogado ng Times Bar sa Makati City.

Sa inihaing resolusyon nila House Committee on Justice Chairman Salvador Doy Leachon at UNA ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro, inaatasan nito ang House Justice Committee at House Committee on Good Govt. and Public Accountability na siyasatin ang pagkakaaresto sa mga abogadong sina Lenie Rocha, Jan Vincent Soliven at Romulo Alarcon.

Duda si Belaro sa constructive possession of illegal drugs na inihain ng Makati Police laban sa tatlong abogado.


Katwiran ng mambabatas, tumutupad lamang ang mga ito sa tungkulin at lumalabas na bagong hire lamang ang tatlong abogado ng may-ari ng time bar.

Pinasisilip din ng Kamara kung ano ang epekto ng insidente sa pagrespeto sa constitutional rights lalo na ang karapatan sa abogado, mga karapatan sa ilalim ng custodial investigation at karapatan sa due process.

Sinabi pa nito na maaaring magreklamo ang mga nahuling abogado sa national police commission para papanagutin ang mga pulis Makati sa kasong administratibo.

Facebook Comments