SISILIPIN | Kumpanyang nakakuha ng higit 30 proyekto ng DPWH, pinasa-subpoena

Manila, Philippines – Nais ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na ipatawag at padalhan ng subpoena ang may-ari ng C.T. Leoncio Construction and Trading na si Consolacion Leoncio.

Ito ay matapos mabunyag na nakakuha ang nasabing kumpaniya ng mahigit 30 government project kahit na ito ay single proprietor lamang.

Ayon kay Andaya, dapat ring ipatawag ang mga regional director at district engineer ng DPWH sa mga lugar na nakakuha ng kontrata ang nasabing kumpaniya.


Maliban sa mga ito, dapat rin aniyang ipatawag ang mga nag-audit ng proyekto.

Giit ni Andaya, mahahalintulad lamang sa isang maliit na tindahan ang nasabing kumpaniya na nakabase sa Bulacan.

Pero nakakuha ito ng multi bilyong pisong proyekto sa mga lalawigan ng Sorsogon, Samar, Catanduanes, Pangasinan, Batangas, Tarlac, Camarines Sur at sa National Capital Region.

Facebook Comments