SISILIPIN | Loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at China, muling sisilipin – Sec. Dominguez

Manila, Philippines – Muling sisilipin ng gobyerno ang loan agreement na balak nitong pirmahan sa ilalim ng ‘belt and road initiative’ ng China.

Ito ay kasunod ng babala ni U.S. Vice President Mike Pence na mababa ang kalidad ng karamihan sa mga proyekto nito.

Ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III – ikinukonsidera nila ang naging mga pahayag ni Pence, kahit na lumabas sa unang review na ginawa ng pamahalaan na makabubuti raw ito sa magkabilang partido.


Maaalalang binanggit ni Pence sa talumpati nito sa harap ng mga APEC leaders, nalulubog ang mga developing countries sa utang na hindi nila kayang mabayaran.

Depensa naman ni Chinese President Xi Jinping, hindi raw isang patibong ang kasunduan at wala rin umano itong “hidden agenda.”

Facebook Comments