SISILIPIN | Magarbong Christmas party ng PCSO, tiyak na iimbestigahan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na sisilipin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing magarbong Christmas Party ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Lumabas kasi sa balita na 6 na milyong piso ang ginastos ng PCSO para sa party ng PCSO employees na ginawa sa EDSA Shangri-La Hotel.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang buong impormasyon kaugnay sa nasabing usapin pero kilala naman aniya ng lahat si Pangulong Duterte at tiyak na sisilipin nito ang issue.


Paliwanag ni Roque, sensitibo si Pangulong Duterte sa mga sumbong sa kanya ng publiko sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan.

Nabatid na marami ang umalma sa malaking gastos ng PCSO sa kanilang Christmas Party gayong may mga nangyaring kalamidad at reklamo pa ng ilan na maliit lamang ang naibibigay na tulong ng PCSO sa maraming nangangailangan.

Facebook Comments