SISILIPIN | Mga Chinese nat’l na nagtatrabaho sa bansa, pinatututukan sa DOLE

29

Manila, Philippines – Pinasisilip ng Malacañang sa Department of Labor and Employment o DOLE ang pagdagsa ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maraming Filipino ang walang trabaho kaya hindi makatwiran na mabigyan ng hanapbuhay ang mga dayuhan.

Aniya, hindi papayag ang Malacañang na mapunta lamang sa mga dayuhan ang mga trabahong dapat ibigay sa mga Filipino.

Sabi pa ni Panelo, pabor ang Malacañang sa plano ng Senado na imbestigahan ang pagdagsa ng Chinese workers sa bansa.

Facebook Comments