SISILIPIN | Naiselyong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China, bubusisiin

Manila, Philippines – Maghahain ng resolusyon si Senate President Pro Tempore Ralph Recto para mabusisi ng Senado ang 29 na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China na naiselyo sa pagbisita ni President Xi Jinping.

Dagdag pa ni Recto, public documents ang mga ito kaya pwedeng hingin ng Senado para mapag-aralang mabuti.

Ayon kay Recto, pangunahing nais nilang masilip ang Memorandum of Understanding o MOU kaugnay sa planong oil and gas explorations sa West Philippine Sea.


Ikinatwiran ni Recto na kailangang matiyak sa mga kasunduan ang higit na pakinabang ng Pilipinas sa gagawing joint exploration.

Bukod ay nais ding masiguro ni Recto na hindi tayo dehado pagdating sa loan agreements para sa pagsasakatuparan ng mga proyekto ng pamahalaan.

Facebook Comments