SISILIPIN | Pagbaba ng OFW remittances, paiimbestigahan sa Kamara

Manila, Philippines – Sisilipin ni House Assistant Majority Leader Bernadette Herrera-Dy ang pagbaba ng remittances sa mga OFWs.

Batay sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas naman sa 2.4% o $23.7 Billion ang remittance growth ng mga OFWs mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Ayon kay Herrera-Dy, bagaman at mataas pa rin naman ang OFW remittances ngayong taon mas mataas pa rin ang remittances ng mga OFWs noong 2017 na nasa 4.7%.


Sinabi ng lady-solon na mataas pa rin naman ang OFW remittances kung ikukumpara sa foreign direct investments na nasa $7.4 Billion lamang sa unang walong buwan ng 2018.

Pero, mula January hanggang September 2018, bumagsak sa 17.3% o bumaba ng halos $1 Billion ang remittances ng mga OFWs sa gitnang silangan na hinihinalang nakaapekto sa growth rate ngayong taon.

Susuriin din ng kongresista kung saan pang mga bansa ang bumaba ang OFW remittances.

Facebook Comments