SISILIPIN | Pondo ng martial law at Marawi rehab, pinasisilip ng Kamara

Manila, Philippines – Hiniling ni Akbayan Representative Tom Villarin na silipin ang pondo ng gobyerno para sa martial law sa Mindanao.

Ang suhestyon ay kasunod ng hiling at rekomendasyon ng AFP na palawigin pa ng isang taon ang batas militar sa buong Mindanao.

Ayon kay Villarin, magandang pagkakataon na rin ito para masilip ng publiko kung papaano ginastos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) ang pondo para sa pagpapatupad ng martial law.


Dapat din aniyang maipakita ng AFP at DND kung saan napunta ang P2.2 Billion sa P19.6 Billion na Marawi rehabilitation fund.

Kung talagang gusto na mapalawig ang batas militar ay dapat munang masilip at maipaliwang ng mabuti sa publiko ang pondo sa martial law at Marawi rehab.

Pero kung si Albay Representative Edcel Lagman ang tatanungin, hindi na kakailanganin ang panibagong martial law extension.

Aniya, walang basehan ang muling pagpapalawig ng martial law dahil wala namang umiiral na rebelyon na nasasaad sa konstitusyon.

Facebook Comments